VETERINARY SERVICES, IHAHATID SA PANGASINAN

Aarangkada sa lalawigan ng Pangasinan ang iba’t-ibang serbisyong para sa mga alagang hayop alinsunod sa pakikiisa ng probinsya sa Rabies Awareness Month ngayong Marso.

Saklaw ng naturang mga serbisyo ang Information and Education Campaign, Anti-Rabies Vaccination, Vitamin Supplementation, Deworming, Consultant, Castration at Spaying.

Magsisimula ito ngayong araw, March 6 sa Lasip, Lingayen, March 7 sa SM Urdaneta, March 11 sa Tebag, Sta. Barbara at March 12 sa Labney, San Jacinto.

Tutungo rin ang programa sa Orbos Gym, Poblacion, Mangatarem sa March 13, March 18 sa Basista, March 19 sa Basista, March 20 sa Talogtog, Mangaldan.

Para sa eksaktong schedule sa iba pang mga lugar, umantabay sa anunsyo ng Provincial Veterinary Office – Pangasinan.

Samantala, layon ng programa na maitaguyod ang responsible pet-ownership maging ang pagpapababa sa kaso ng rabies sa probinsya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments