Ilang lollipop sa Ilocos Norte, ‘condom wrapper’ ang ginawang pambalot

Courtesy: Bombo Radyo

Labis na ikinagulat ng isang ginang sa Badoc Ilocos Norte ang mga lollipop na binili ng kanyang anak dahil ang wrapper na ginamit dito ay mula umano sa isang brand ng condom.

Ayon kay Gng. Soledad Duelos, nitong Sabado daw ay sumuka ang kanyang 3-anyos na anak matapos kumain ng nasabing lollipop na nabili ng bata sa kanilang kapitbahay.

Giit nito ay hindi daw siya makatulog nang magsuka ang anak dahil wala naman daw siyang alam na iba pang pinakain niya rito maliban sa mga nabiling candy sa tindahan.


Nakumpirma na lang ni Gng. Duelos na ang mga lollipop nga ang dahilan ng pagsusuka ng bata matapos itong magpabukas ng panibago sa kanya, at dito niya nadiskubre na ang mga naturang candy ay nakabalot sa condom.

Dagdag pa niya, sumakit din daw ang tyan ng dalawa niyang pamangkin na mistulang nakakain din ng nasabing lollipop.

Agad naman niya itong inireport sa pulisya bitbit ang nasa 10 lollipop na nabili ng mga bata.

Kasalukuyan namang sinusuri ng lokal na pamahalaan ang nasabing produkto.

Facebook Comments