Ilang LP congressman, nakiusap na huwag suportahan ng kamara ang impeachment complaint laban kay Robredo

Manila, Philippines – Umaasa ang ilang mga miyembro ng Liberal Party na susunod ang mga kasamahang kongresista sa pahayag ni Pangulong Duterte na huwag nang ituloy ang paghahain ng impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo.

 

Nakiusap si Deputy Speaker Miro Quimbo para kay VP Robredo na huwag suportahan ng mga mambabatas ang reklamong planong ihain.

 

Mababatid na si House Speaker Pantaleon Alvarez mismo ay desididong ituloy ang paghahain ng impeachment complaint laban sa ikalawang Pangulo.

 

Sa halip na mag-aksaya ng oras sa impeachment ay tutukan na lamang ng kamara ang mga tunay na problema sa bansa gaya ng kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.

 

Napaka-negatibo aniya ng idudulot na impeachment complaints sa dalawang lider ng bansa na maaaring makapagoabagsak sa ekonomiya.



Facebook Comments