Vice President Leni Robredo, inimbitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dinner kasama ang pamilya nito

Manila, Philippines – Kinumrpima ng malakanyang na inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo at pamilya nito sa isang dinner.

 

Naganap ang imbitasyon ng Pangulo sa kanilang pagdalo sa Philippine National Police Academy (PNPA) graduation sa Gen. Cicero Campos Grandstand sa Silang, Cavite kahapon.

 

Gayunman, wala pang nakatakdang araw kung kailan magaganap ang ipinapalanong dinner.

 

Nabatid na si Interior Secretary Mike Sueño ang dapat na uupo sa pagitan nina Duterte at Robredo ngunit pinalipat ng Pangulo ang Bise Presidente na tumabi sa kanya.


Facebook Comments