Inihayag ng Maynilad na simula mamayang alas 6:00 ng hapon hanggang bukas ng umaga ay mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Malabon, Navotas, Caloocan at Maynila.
Base sa abiso ng Maynild Water Services Inc., may mga maintenance activities na gagawin sa mga nabanggit na lugar na layong mapabuti pa ang Waters Services sa West Zone.
Kabilang dito ang Interconnection ng water pipeline sa pagitan ng C-3 Road at A.Mabini, Dagat Dagatan Avenue, Caloocan City.
Papalitan din ng 2.6 feet na diameter valve sa C3 Road Corner North Bay Blvd, Navotas City.
Kabilang sa mga Barangay na maaapektuhan ng pagkawala ng tubig mamaya ay ang mga sumusunod:
Barangay 12, 14, 20, 28, 31 at 35 sa Caloocan City.
Habang ilang lugar din sa Malabon City, at Barangay Bangculasi, North Bay Blvd at San Rafael Village sa Navotas City at Barangay 124, 127, 129 hanggang 146 at Barangay 127 sa Manila City.
Ngayon pa lang, pinayuhan na ng Maynilad water services ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na tubig.
May inihanda na ring mga water tanker ang Maynilad para sa anupamang pangangailan ng mga residente.