Ilang lugar sa Antipolo, isasailalim sa lockdown simula bukas

Isasailalim sa lockdown ang ilang lugar sa Antipolo City, Rizal simula bukas, July 27, dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sa huling tala ng city government, umabot na sa 215 ang active cases ng COVID-19 sa Antipolo.

Kabilang sa ila-lockdown ay ang mga sumusunod:


– Sitio Upper Ruhat 3A, Barangay Mambugan
– 1st Street ng Sitio Oreta, Barangay San Isidro
– Sitio Kamandag 3 sa Barangay Boundary ng Bagong Nayon at Mayamot
– Zapanta Compound sa Barangay San Roque
– Bahagi ng Sitio Tubigan, Barangay Dalig kabilang ang Plaza Dilao, Matalino, Maganda, Masikap at Mahinhin Streets

Kaugnay nito, bawal lumabas ng bahay ang mga residente maliban sa mga frontliner, may medical emergency at authorized persons outside of residence (APOR) gaya ng mga nagtatrabaho.

Isang miyembro lang ng pamilya ang papayagang lumabas para mamili ng essential goods.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, mamamahagi rin ang lungsod ng food packs dalawang beses sa isang linggo.

Isasailalim naman sa COVID-19 test ang mga residenteng may sintomas ng sakit at pasok sa vulnerable sector.

Facebook Comments