Ilang lugar sa EDSA, Balintawak – mawawalan ng kuryente

EDSA, Balintawak – Apektado ng nakatakdang power interruption ang maraming establisyimento sa bahagi ng EDSA-Balintawak.

Sa abiso ng Meralco, magsisimula ang power interruption mamayang alas 11:00 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ng Martes (October 3).

Mula Balintawak substation hanggang sa LRT 1 Balintawak station ay mawawalang ng suplay ng kuryente kabilang ang Barangay Apolonio Samson at Unang Sigaw sa Quezon City.


Magsasagawa ng relocation at replacement ng kanilang facilities ang Meralco sa bahagi ng EDSA-Balintawak.

Tiniyak naman ng Meralco na sisikapin nilang maibalik agad ang suplay ng kuryente sa sandaling matapos ang aktibidad.

Facebook Comments