Magkahiwalay na sunog, naganap sa Pasig at Parañaque City

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Bureau of Fire Department (BFP) ang naging dahilan ng sunog sa Pasig at ParaƱaque City.

Alas-4:53 ng umaga nang masunog ang isang bahay sa better Living Subdivision, Barangay Don Bosco, ParaƱaque City kung saan inabot lamang ito sa unang alarma at magihit kalahating oras din bago ito idineklarang fire-out.

Apat na bahay naman ang natupok sa nangyaring sunog sa matahimik street kanto ng tawiran extension, Barangay Santolan sa Pasig City na nagsimula alas-7:08 kaninang umaga.


Mag-a-alas otso naman ng umaga nang ma-fire out ang sunog at wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Facebook Comments