Ilang lugar sa Hongkong, binabayo ng bagyong Hato

Hongkong – Binayo ng bayong Hato ang Isla ng Huzhou sa Guangdong sa Shenzhen’s Luohu District sa Hongkong.

Ang bagyong Hato ay pang 13th typhoon na na tumama sa China ngaton taon na inaasahang tatama sa kalupaan malapit sa Zhuihai sa dalampasigan ng Guangdong Province.

Kinansela ang mga paparating 25 flights sa International airport at isang papaalis kaninang alas 10:!5 ng umaga sa Guangzhou.


Ilan sa 270 flights na aalis at paparating mula Shenzhen airport ay kinansela na rin dahil sa bagyo.

Itinigil narin ang serbisyo kaninang alas 4 ng hapon ng train mula Guangzhou papuntang Hongkong at Shenzhen, mula Shenzhen papuntang Xiamen at mula Hongkong to Beijing.

Ayon sa ulat ng DFA, kagabi pa lamang ay mahigit sa apat na libong katao ang inilikas na mula sa kanilang lugar sa Guangdong matapos magpalabas ang China State Oceanic Administratiob ng Red Alert dahil sa lakas ng hangin.

Inaalam na ng DFA kung mayroong napaulat na mga Filipino na naapektuhan sa naturang bagyo.

Facebook Comments