Isang lalaki sa Makati, arestado dahil sa iligal na droga

202

Makati City – Arestado ang isang lalaki sa Orense St., Brgy Guadalupe Nuevo, Makati City makaraang maaktuhang siniselyuhan ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspk na si Potenciano Togle, 49 anyos, at helper sa isang car wash sa lugar.

Base sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng isang pulis ang naturang lugar sakay ng kaniyang motorsiklo nang mayroong concerned citizen ang tumawag sa atensyon nito at itinuro ang suspek.


Agad na dinakip si Togle at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments