Ilang lugar sa Ilocos Norte, lubog sa baha dulot parin ng Bagyo Julian

iFM News Laoag – Lubog parin sa baha ang ilang lugar sa Lalawigan ng Ilocos Norte dahil parin sa hagupit ni Bagyo Julian.

Halos umapaw na ang tubig mula sa Padsan River papuntang sentro ng lungsod ng Laoag.

Binaha ang mga kalsada sa lungsod at nahihirapan magmaneho ng sasakyan dahil parin sa matinding ulan at hindi na Makita ang dadaanan.

Nagkansela narin ang local na pamahalaan ng pasok sa opisina at paaralan dahil sa walang tigil na ulan. Umabot naman sa pitong pamilya na ang nailikas sa bayan ng Dingras na ito ay mga naninirahan malapit sa ilog.

Hanggang sa ngayon, nakataas parin ang signal number 2 sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil parin sa hagupit ni Bagyo Julian. | via Bernard Ver, @RMN News

Facebook Comments