Ilang lugar sa Luzon, nasa ilalim pa rin ng signal number 1 kahit papalayo na ang bagyong Odette

Manila, Philippines – Kahit papalayo na patuloy pa ring maghahatid ng malakas na ulan at pabugso-bugsong hangin ang bagyong Odette.

Huling namataan ang bagyong Odette sa layong 45 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 100 kph.


Inaasahang magpapatuloy ito sa direksyong pakanluran timog kanluran sa bilis na 24 kph.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang signal number two sa Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of Islands.

Umiiral naman ang signal number one (1) sa Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao at Pangasinan.
Lalabas si Odette ng Philippine Area of Responsibility ngayong gabi kaya asahan na ang magandang panahon sa Luzon nitong weekend.

Facebook Comments