Dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan simula pa kagabi na dulot ng Bagyong Ulysses, binabaha na ngayon ang ilang lugar sa Mandaluyong City.
Ang Barangay New Zaniga sa kahabaan ng P.Cruz St., F.Ortigas, Ballesteros, B. Francisco ay nasa talapakan hanggang tuhod ang lalim ng ng baha.
Sa Barangay Hagdan Bato Libis sa Acacia Lane St. at Barangay Plainview sa may Maysilo ay nasa talampakan na ang baha.
Sa Barangay Daang Bakal bahagi ng Bernardo St. ay hanggang tuhod na ang tubig baha.
Mula talampakan hanggang tuhod naman ang baha sa mga kalsada ng J. Vicencio, Aglipay, J. Dela Cruz, Leyva, Lerma, Private E. Reyes ng Barangay Old Zaniga.
Habang ang Barangay Poblacion mula sa kanilang Barangay Basketball Court hanggang 2nd St. hanggang tuhod na lalim ng tubig, at 3rd St. Dulo, 4th St. Dulo Interior, Interior 123 ay malapit na sa baywang ang lalim ng tubig.
Wala pang anunsyo ang Mandaluyong City government kung may nailikas ng pamilya, pero kagabi pa lang ay nakahanda ang kanilang rescue team unit.