Ilang lugar sa Masbate, nawalan ng kuryente dahil sa malakas na lindol

Courtesy : Philippine Red Cross Masbate

Naputol ang supply ng kuryente sa ilang lugar sa Masbate kasunod ng malakas na lindol kaninang umaga.

Batay sa ulat ng National Electrification Administration , sinisikap na ng Masbate Electricity Cooperative (MASELCO) na maibalik agad sa lalong madaling panahon ang supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Ayon sa abiso ng MASELCO, may mga poste ng kuryente ang natumba at bumigay sa lakas ng pag- uga ng lupa partikular sa bayan ng Cataingan.


On-going na rin ang line inspection ng mga maintenance crew sa iba pang lugar para matukoy ang lawak ng pinsala ng power lines.

Bukod sa munisipalidad ng Cataingan,nawalan din ng power supply ang bayan ng Placer, Pio V. Corpus at Esperanza.

Facebook Comments