PBA teams, sasailalim sa COVID-19 testing bago ang pagbabalik training

Sasailalim sa COVID-19 swab tests ang 12 koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) bago payagang makapag-ensayo matapos ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kapag walang naging problema sa resulta ng kanilang test, maari na silang makapagsimula ng training .

Ang swab testing ay kabilang aniya sa kanilang guidelines at protocols bilang mandato na rin sa mga patakaran ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.


Umaasa naman si Marcial na matutuloy ang opening game ng PBA sa Oktubre.

Facebook Comments