Ilang lugar sa Mindanao, sunud-sunod na niyanig ng lindol, pinakahuli ang Columbio, Sultan Kudarat

Naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao ang pagyanig ng lupa dulot ng magnitude 4.3 earthquake na nangyari kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong limang kilometro sa hilagang silangan ng Columbio.

May lalim na 8 kilometro ang pinagmulan ng pagyanig at tectonic ang origin.


Naitala ang intensity III sa Magsaysay sa Davao del Sur, intensity III sa Kidapawan City at intensity I sa Malungon, Sarangani, Koronadal City, South Cotabato.

Bago ang lindol sa Columbio, una nang niyanig pasado alas-9 kagabi ng magnitude 5.2 ang Sarangani sa Davao del Sur.

Naramdaman ang pagyanig sa Malungon, Sarangani, Alabel at Kiamba, Sarangani, Koronadal at Tupi sa South Cotabato.

Bandang alas-2:16 kaninang madaling araw nang yanigin din ng magnitude 4.2 ang bayan ng Malapatan sa Sarangani province.

Facebook Comments