Kunwaring relasyon nina DJ Loonyo at sexy actress na si Ivana Alawi, naging totoo na raw?

How true ang chika na nagiging totoo na ang kunwaring relasyon nina Ivana Alawi at dancer na si DJ Loonyo.

Nabatid na nagpanggap bilang mag-jowa ang dalawa sa isang prank video na ginawa ni Ivana sa kanyang ina sa youtube channel nito.

Pero, tila nagiging totoo na ito matapos na magpost si DJ Loonyo sa kanyang twitter ng screenshot kung saan makikitang patagong magkausap sila ni Ivana sa video chat.


Bukod rito, nabuking din na may private communication pa rin ang dalawa matapos na madulas si Ivana sa kanyang ina.

Base ito sa youtube vlog ni Ivana, habang nasa harap ng hapag-kainan, tinukso ni mommy Fatima si Ivana at sinabing lagi niyang ka-video chat si DJ Loonyo.

Sa kabila nito ay wala pa naman pag-amin sina Ivana at DJ Loonyo sa tunay na estado ng relasyon nilang dalawa pero maraming fans ng dalawa ang kinilig.

Facebook Comments