Ilang lugar sa Mindanao, tinukoy na areas of concern dahil sa pagkalat ng COVID-19

Tinukoy ng OCTA Research Group ang ilang lugar sa Mindanao na itinuturing na areas of concern dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Batay sa OCTA Research, kabilang sa mga areas of concern ay ang Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato at Davao na posibleng mahigitan ang Quezon City pagdating sa dami ng bagong kaso ng virus.

Nakitaan ng OCTA ang Davao City ng 54% ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula Mayo 31 hanggang Hunyo 6.


Domoble rin ang itinaas na kaso ng Koronadal habang ang Cotabato City ay tumaas ng 62% ang naitatalang nai-infect ng virus sa nakalipas na linggo.

Sa labas naman ng Mindanao, tinukoy na areas of concern ang mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Dumaguete at Tuguegarao.

Nananatili namang nasa mataas ang healthcare utilization rate sa mga probinsya ng Iloilo, Misamis Oriental at Cagayan.

Facebook Comments