Ilang lugar sa Quezon City at Cainta, Rizal, makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig ng ilang araw -Manila Water

65

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City at Cainta sa Rizal simula mamayang gabi.

Sa abiso ng Manila Water, may isasagawang maintenance activities sa maaapektuhang barangay simula ngayong Mayo 30 hanggang Hunyo 1.

Kabilang sa maapektuhang lugar ang 9th St., corner Gilmore Avenue, Barangay Mariana, Daang Tubo Looban, Barangay UP Campus, Road 1 corner Visayas Avenue, Barangay Project 6, Miriam College, Barangay Loyola Heights at A. Rodriguez corner Policarpio St. Cainta, Rizal.


Pinapayuhan ang mga residente na naninirahan sa mga maaapektuhang lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled line maintenance.

Facebook Comments