Ilang lugar sa Samar at Eastern Samar, nawalan na ng supply ng kuryente dahil sa Bagyong Dante ayon sa NGCP

Apektado na ang dalawang transmission line facilities na nagsusuplay ng kuryente sa lalawigan ng Samar at Eastern Samar dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante.

Sa ulat ng National Grid Corporation, mula kagabi ay hindi na available ang Paranas-Quinapondan 69 kilovolt (KV) line at Calbayog Bliss 69 KV line.

Tiniyak naman nito na magpapatupad ng inspection at restoration sa mga bagsak na linya sa sandaling humupa ang sama ng panahon.


Paliwanag pa ng NGCP, ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar ay posibleng dahil sa affected transmission facilities ng NGCP o ‘di kaya ay sa distribution facilities ng local distribution utilities o electric cooperatives.

Sa ulat ng PAGASA, nagkaroon ng initial landfall kagabi sa Sulat, Eastern Samar ang Bagyong Dante at muli pang nag-landfall sa Cataingan, Masbate.

Facebook Comments