Ilang lungsod sa Metro Manila, nakitaan na ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nilinaw ni Dr. Manuel Mapue, Regional Epidemiologist ng Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) na wala pa talagang surge ng COVID-19 ang nangyayari ngayon sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na bagama’t wala pang surge ay nagkakaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang mga lungsod sa NCR.

Kabilang dito ang mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Pasay at San Juan.


Kasunod nito, pinaghahandaan na ng mga lokal na pamahalaan ang pagsirit muli ng kaso na posibleng ang Delta variant ang dahilan.

Sa ngayon, 25 local transmission ng Delta variant ang naitala ng DOH sa kalakhang Maynila.

Isa mula sa Las Piñas, isa sa Makati at Malabon, sampu sa Maynila, tig-isa sa Parañaque, Quezon City at Taguig, pito sa Pasig at dalawa sa San Juan.

Sa nasabing bilang, walo na ang gumaling, isa ang nasawi habang ang 16 ay nananatiling active cases.

Facebook Comments