Ilang lungsod sa West Zone, makakaranas ng 3-araw na water interruption

Makakaranas ng water interruption ang ilang lungsod sa west zone ng National Capital Region (NCR) simula bukas, August 10 hanggang sa Huwebes, August 12.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Maynilad Spokesperson Grace Laxa, na magsasagawa sila ng repair work sa kanilang water treatment facility sa Muntinlupa.

Kabilang sa mga maapektuhan ay ang mga residente mula sa Muntinlupa City, Las Piñas, Parañaque City pati na rin Imus at Bacoor sa Cavite.


Samantala, makakaranas din ng water interruption ngayong araw ang ilang bahagi ng lungsod ng Quezon, Caloocan, Malabon at Makati dahil naman sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir.

Tiniyak naman ng Maynilad na hindi sila magpapatupad ng disconnection activities ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments