Senator Koko Pimentel, hindi binalewala ng PDP Laban – Nograles

Nananatiling miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Senator Koko Pimentel sa kabila ng pagkakatanggal sa kaniya bilang Executive Vice Chairman sa ginawang national assembly ng paksyon nina Energy Secretary Alfonso Cusi noong Hulyo.

Ito ang nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kung saan sinabi niyang palagi pa rin nilang iniimbita si Pimentel at Senator Manny Pacquiao sa kanilang mga pulong.

Kasunod nito, iginiit din ni Nograles sa interview ng RMN Manila na hindi binabalewala ang boses nina Pimentel bilang miyembro ng partido at sa halip ay sila pa nga ang hindi dumadalo sa mga opisyal na pagtitipon ng PDP.


Matatandaang noong nakaraang linggo ay inendorso ng PDP ang tandem nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidente at bise presidente sa 2022 elections.

Facebook Comments