*Cauayan City, Isabela-* Sumailalim ang ilang mag-aaral ng Cauayan City National High School sa Robotics training bilang paghahanda sa regional competition.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Betchie Aguinaldo, Program Chair ng Master of Information Technology-ISU Cauayan, malaking tulong ito para sa mga mag aaral na magpapamalas ng kanilang mga talento sa paggawa ng robot.
Ayon naman kay Dr. Sanny Quidasol, Head Teacher ng Science Department, sa nakalipas na dalawang (2) taon ay nagsagawa rin ng ganitong aktibidad ang paaralan na siyang babalangkas upang magkaroon ng mas malawak na kaisipan ang mga mag-aaral at makagawa ng sariling disenyo sa paggawa ng robot.
Hinihikayat naman ng pamunuan ng paaralan ang mga mag-aaral na nais maging bahagi ng ganitong aktibidad na sumali dahil bukas lamang aniya ang nasabing pagsasanay para sa mga ito.