Cauayan City, Isabela- Ikinatuwa ng ilan sa mga magsasaka dito sa Lungsod ng Cauayan ang nararanasang pag-ulan ngayon, kumpara sa mga nakalipas na mga araw.
Nangamba kasi ang ilan sa mga magsasaka dito sa Lungsod nitong mga nagdaang araw dahil sa mainit na panahon at hindi nakaranas ng pag-ulan.
Ayon kay Ginoong Juan ng Brgy. Turayong, isang magsasaka, ikinatuwa nito ang biglaang pagbuhos ng ulan dahil malaking tulong aniya ito sa kanyang mga pananim na palay na tanging pinagkukunan lamang aniya ng kanilang ikinabubuhay.
Sa pamamagitan naman ng nararanasang pag-ulan ay umaasa ang mga magsasaka na hindi na muling maapektuhan ng tagtuyot at makabawi man lang sa kanilang mga nagastos sa pagtatanim gaya ng abono at mga insecticides.
Facebook Comments