Ilang local air carriers, nagdagdag na ng flights sa harap ng pagdagsa ng mga biyahero

Kinumpirma ng AirAsia Philippines na tumaas ng 38% ang bookings sa kanila sa harap ng nalalapit na summer season sa Pilipinas.

Partikular aniyang nagpa-book ng flights sa kanila ang mga biyahero para sa March, April at May na biyahe.

Ayon sa AirAsia, pinakamaraming nagpa-book sa kanila ay patungo ng Boracay kung saan 24% ang itinaas sa bookings.


Habang 30% ang itinaas sa booking sa Cebu, Tagbilaran (Panglao), Kalibo at Tacloban.

Nakatakda na ring magbukas ng ruta ang AirAsia patungo ng Dumaguete at Roxas.

Pinaghahandaan na rin ng nasabing air carrier ang pagbubukas ng international flights patungo ng Bali, Indonesia, Bangkok, Thailand at Incheon, South Korea sa April at May.

Facebook Comments