Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng makinarya mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga magsasaka ng Kasibu sa probinsya ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Office Gerald ‘Dindi’ Tan, ang mga makinarya na nagkakahalaga ng P280,000.00 ay ibinigay sa Kasibu Farmers Development Cooperative (KAFDECO).
Sinabi nito na importanteng maipadama sa mga magsasaka at sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na ang gobyerno ay nakahanda lamang lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.
Ang pagbibigay ng mga makinaryang pang-agrikultura ay sakop ng ” Linking Smallholder Farmers to Markets with Microfinance” (LINKSFARM) Project ng DAR sa bayan ng Kasibu.
Ayon pa kay Tan, matutulungan dito ang mga magsasaka na gagamit ng mga makabagong makinarya upang maitaas pa ang kanilang production.