Naghahanda na ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan para sa pagsisimula ng taniman ng palay na inaasahang uumpisahan sa huling linggo ng Mayo.
Ayon sa mga magsasaka, sinimulan na nila ang paglilinis at pag-aararo sa kanilang mga sakahan bilang paghahanda sa pagsasaka. Malaki rin umano ang naitutulong ng mga pag-ulan tuwing hapon sa pagpapabasa ng lupa at paghahanda ng bukirin.
Samantala, pinaalalahanan ng mga kinauukulang ahensya, partikular ng National Irrigation Administration (NIA), ang mga magsasaka na mas mainam na sundin ang itinakdang cropping calendar upang masiguro ang sapat na suplay ng tubig para sa irigasyon.
Inaasahang sa buwan ng Hunyo magsisimula ang pagpapakawala ng tubig sa mga irrigation canals upang masuportahan ang pangangailangan sa patubig ng mga taniman. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments