ILANG MAGSASAKA SA PANGASINAN, UMPISA NANG NAG-ANI UPANG MAIWASAN ANG EPEKTO NG EL NINO

Patuloy ang maagang pag-aani ng ilang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan upang maiwasan ang malalang epekto ng El Nino Phenomenon sa kanilang mga sakahan.
Matatandaan na may naitala nang ilang sakahan sa bahagi ng lalawigan ang nakararanas na ng epekto ng El Nino tulad ng pagtuyo ng mga sakahan, kasabay pa ng problema sa patubig o mga irigasyon.
Dagdag pa sa pasanin ng mga magsasaka ang mababang buying price ng ilang produkto, na hindi naman tugma sa taas ng farm input price ng mga ito sa kasalukuyan.

Ilang rice farmers naman sa ngayon ang sinasamantala ang mataas na buying price ng palay kung saan nasa P26, ang kuha sa per ng fresh palay habang P29 naman ang dried palay.
Inaasahan na bababa na ang buying price nito sa buwan ng Marso dahil mas dadami na ang maghaharvest sa peak season nito.
Samantala, panawagan ng ilang Pangasinanenseng magsasaka ang tulong lalo na sa pagtugon ng epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments