BANGKAY NG KONDUKTOR, NATAGPUAN SA ISANG ABANDONADONG OPISINA NG GASOLINAHAN SA CALASIAO

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa abandonadong opisina ng gasolinahan sa Barangay Mancup, bayan ng Calasiao.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Dagupan sa PNP Calasiao, natagpuan umano ng caretaker ng gasolinahan ang nakabigting katawan ng biktima at agad nitong isinangguni sa awtoridad.
Nang puntahan ng pulisya ang crime scene tumambad ang katawan ng biktima na nakabigti gamit ang electric wire, narekober sa lugar ang cellphone nito at dito nakausap ng awtoridad ang pamilya ng lalaki.

Kinilala ang biktimang si Jesus Sagurit, 35-anyos at residente ng Brgy. Tococ, bayan ng San Fabian ng kanyang kaanak sa pamamagitan ng cellphone nito.
Ayon sa mga doktor na sumuri sa bangkay tinatayang nasa tatlo hanggang apat na araw na ang bangkay na nakabigti.
Dagdag pa rito ng kanyang kaanak napapansin na nilang nakakaranas ito ng depresyon at hallucination kung saan ilang araw na rin itong hindi umuuwi sa kanila.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments