Ilang Magsasaka, Umaaray sa Murang Presyo ng Palay!

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang information dessimination ng kagawaran ng pagsasaka sa Lungsod ng Cauayan kaugnay sa niratipikahang Rice Tarification Law sa ilang lokal na magsasaka.

Inihalimbawa ni City Councilor Rufino Arcega, Co-Chairman ng Committee on Agriculture ang mababang presyo ng palay na sampung (10) piso kada kilo habang labinglimang (15) piso naman ang isang kilo sa dried palay kung kaya’t umaaray na ang ilang mga magsasaka sa ganitong sistema ng pagbili ng palay.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Arcega, aniya pahirap aniya ito sa mga local farmers kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon kung kaya’t ang kagawaran ng pagsasaka ay patuloy naman na nagpapahiram ng ilang mga kagamitan sa pagsasaka at ilang binhi upang makatulong sa mga ito.


Ayon pa kay Councilor Arcega, may ilang maliliit na ricemill na rin aniya ang naremata ng bangko dahilan para hindi na magpatuloy ang operasyon ng pagsasaka.

Hiniling naman ni Councilor Arcega na magkaroon sana ng maayos na presyo sa pagbili ng palay upang hindi mas lalong mahirapan ang mga magsasaka.

Facebook Comments