Ayon sa naging eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Frechel Umaguing, Junior Business Councilor ng DTI N.C Cauayan City, tinatayang nasa limang (5) kilalang establisyemento ang may mga items na wala umanong label at walang Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC).
Ang PS at ICC ay mahalaga umano dahil ito ang nagiging pagkakakilanlan ng isang produkto kung de-kalidad ba o hindi.
Maliban sa mga pailaw, ay marami ring mga appliances katulad na lamang ng heater, blender, at mini electric fan ang nasita rin dahil sa kawalan umano nito ng mga nabanggit na markings.
Ayon pa kay Ms. Umaguing, binigyan palang umano ng CPD ng babala bilang 1st offense ang mga nasabing establisyemento dahil sa monitoring palang ang nauna nilang aktibidad, ngunit kung mahuhuli parin ang mga ito na patuloy parin sa pagbebenta ng mga substandard na produkto ay papatawan na nila ng kaukulang parusa ang may-ari ng establisyimento.
Kaugnay nito, pinapayuhan ni Ms. Umaguing ang publiko na piliin mabuti ang mga appliances at siguruhin na mayroon itong PS at ICC markings upang makaiwas sa posibleng aksidenteng katulad ng sunog.