Ilang malalaking kumpanya ng beverage bottling at manufacturing companies ang humaharap ngayon sa kakulangan ng premium refined sugar na siyang isa sa mga pangunahing sangkap sa paggawa ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin.
Batay ito sa inilabas na joint statement ng mga kumpanyang Coca-Cola Beverages Philippines Inc., Pepsi-Cola Prodcuts Philippines Inc. at ARC Refreshment Corporation hinggil dito.
Ayon sa pahayag, sila ay nakikipag-ugnayan na sa iba pang stakeholders sa industriya at umapela sa gobyerno na tugunan ang stiwasyong ito.
Maliban sa mga inumin ay posible ring tumaas ang presyo ng iba pang produkto tulad ng pandesal, milk tea at iba pang baked goods dahil sa kakulangan ng asukal.
Mababatid na nakipagkita na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang industry executives at ibang mahahalagang ahensya upang bumuo ng isang resolusyon upang tugunan ang supply nito.