ILANG MALALAKING PUNO SA BAYAMBANG, PINATUMBA NG IPO-IPO

Kinakailangang putulin ng awtoridad ang malalaking punong-kahoy sa ilang barangay sa Bayambang matapos umanong patumbahin ng isang ipo-ipo noong Sabado, September 13.

Tumambad sa mga kakalsadahan ng Barangay Managos, San Gabriel, at Amancosiling Norte at Sur ang mga puno pagkatapos ng malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin.

Isang bahay din ang nasiraan ng bubong dahil dito.

Agad naman na nagsagawa ng clearing operation ang awtoridad upang hindi na makaperwisyo sa mga residente ang pinsala.

Samantala, wala naman naitalang nasaktan sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments