Ilang malls sa Metro Manila, nagdagdag na mga guwardiya para sa mahigpit na magbabantay sa pagpasok ng mga menor de edad

Nagdagdag na ang ilang malls sa Metro Manila ng kanilang health protocols officers at mga guard para sa mahigpit na pagbabantay sa mga papasok sa mga mall kabilang na ang mga menor de edad.

Sa isang panayam, sinabi ni Robinson’s Mall Regional Operations Manager Myron Yao na ipinakalat na nila ang mga guwardiya para umikot sa naturang mall upang masiguro na ang tanging pupuntahan ng mga bata ay essentials tulad ng dental clinic o pagbili ng gamot.

Maski ang pamunuan ng Ayala malls at SM malls ay sumunod na rin sa kautusan ng mga lokal na pamahalaan na mahigpit na pinagbabawal ang mga bata sa mga mall.


Samantala, siniguro naman ng mga management ng mall na hindi nila huhulihin kundi pagsasabihan lamang ang mga bata na makikita sa kanilang mga establisyemento na walang essential na lakad.

Matatandaan, nag-desisyon ang mga alkalde ng Metro Manila dahil sa mga agam-agam ng mga eksperto na maging carrier ang mga menor de edad ng COVID-19 lalo na kung may kasamang senior citizen sa bahay.

Facebook Comments