Halaga na naipamahaging ayuda ng DSWD sa ikalawang bugso ng SAP, umabot na sa P85.1-B

Umabot na sa mahigit 14.2 milyong pamilya ang nabigyan ng tulong pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa kabuuang 14,289,997 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Dahil dito, tinatayang P85.1 bilyon ang nailabas na ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.


Kabilang na rito ang top-up sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments