Hindi lamang mga sulat at parcel ang nadamay sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office.
Ayon kay Postmaster General Luis Carlos, nadamay rin ang National IDs na ipapamahagi ngayong araw.
Pero paliwanag ni Carlos, ito ay para lamang sa mga residente ng Maynila.
Aniya, maging ang mahahalagang gamit na nasa museum ng post office ay natupok din kung saan nandoon ang mga mamahaling paintings.
Bukod dito, wala na ring natira sa mga registered mail at dokumento na ipinadala ng ilang tanggapan ng pamahalaan at ng ilang pribadong indibbidwal at kompanya.
Dagdag pa ni Carlos, hindi pa nila masabi kung paano nila malalaman ang record dahil natupok na rin ang lahat ng computer sa loob ng post office.
Pansamantala naman mananatili sa kalapit na tanggapan ng Philpost ang nasa halos 700 empleyado nito kung saan humingi na rin ng tulong sa ibang post office para sa ilang kagamitan.