Anti-dengue clean-up, patuloy na ginagawa sa lungsod ng Makati

Patuloy na nagsasagawa ng anti-dengue clean up activity ang Makati Health Department, Department of Environmental Services, Department of Engineering and Public Works, Veterinary Services Office, Public Safety Department at barangay officials sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Mayor Abby Binay, ang nasabing paglilinis ay upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue sa lungsod.

Dagdag pa niya na hindi sila nagkukulang sa paalala sa mga residente kung mayroong maramdamang sintomas nito ay agad sumangguni sa health center.


Matatandaan na malaki ang Itinaas ng kaso ng dengue sa buong bansa sa datos na inilabas ng DOH.

Facebook Comments