Ilang mambabatas, bumilib sa pagpapaalis ng pangulo kay DILG Sec Sueno sa pwesto

Manila, Philippines – Bumilib ang ilang mambabatas saginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Sec. Ismael”Mike” Sueno.

 
Ginawa ng Pangulo ang summary dismissal sa kalihim sa14th cabinet meeting kung saan sinabi ni Duterte na nawalan siya ng tiwala atconfidence sa Kalihim.

 
Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, ipinapakita lamang ngpagpapatalsik ng Pangulo kay Sueno na seryoso ang pamahalaan sa paggiit ngzero-tolerance pagdating sa korapsyon.


 
Umaasa ang kongresista na seseryosohin ng mga opisyal ngpamahalaan ang pagkakadismiss kay Sueno at ang anti-corruption agenda nggobyerno.

 
Isa si Sueno sa mga kumumbinsi noon kay Duterte natumakbo sa pagka Presidente pero hindi ito sapat na dahilan para hindimapatalsik ang mga tiwaling opisyal.

 
Napag-alaman na nakaabot sa Pangulo ang isyu nanangongolekta si Sueno ng pera mula sa illegal gambling kapalit ng proteksyonpara sa mga ito na una namang itinanggi ng Secretary.

 
Sinasabing ang apo nito na natukoy lamang na si”Senior Supt. Sintin” ang kumokolekta ng pera para kay Sueno.

 

 
 

Facebook Comments