Tatlong holdaper, timbog sa Tondo Maynila

Manila, Philippines – Timbog ang tatlong holdaperkabilang ang mag asawa  mataposbiktimahin ang isang service crew sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

 
Kinilala ang mga arestado na sina Jinel Martinez, MarkAnthony Dapat at Miyami Macogue.

 
Batay sa reklamo ni Karen Espiritu, pasado ala unakanina  naglalakad  siya sa may tulay sa del fierro st. nangsumulpot ang mga suspek na sakay ng tricycle at biglang hinablot ang kanitang backpack.


 
Pero, nakahingi ng tulong ang biktima sa mganagpapatrulyang barangay tanod ng barangay 139.

 
Nagkaroon ng habulan at napilitan ang tatlo naabandonahin ang tricycle.

 
Tumulong ang taumbayan sa paghabol kung kayat nasukol angtatlo sa  nepa st., Balut, aTondo.

 
Kalaboso na sa PCP 5 ang tatlo at kakasuhan ng robberysnatching.

Facebook Comments