Ilang mambabatas, dismayado sa pagpayag ng Sandiganbayan na pansamantalang palayain si dating Sen. Jinggoy Estrada

Manila, Philippines – Dismayado ang ilang mambabatas mula sa Independent minority sa pagpayag ng Sandiganbayan na pansamantalang palayain si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pagpayag na palayain si Estrada ay magbibigay ng bad precedent na kahit may plunder case ang isang indibidwal ay pwedeng makapagpyansa basta’t ito ay hindi “main controller” sa ginawang katiwalian.

Nababahala ang kongresista na magkakaroon na ng trend sa mga pulitiko na maghuhugas-kamay lamang sila sa harap ng publiko at pwede ng makalaya.


Hindi nagugustuhan ng mambabatas ang uri ng hustisya na ibinibigay sa ilalim ng Duterte administration lalo na’t hindi pa nabibigyang hustisya ang ginawang pagwawaldas sa kaban ng bayan.

Si Estrada ay nakalaya na ngayong araw matapos magbayad ng pyansa sa Sandiganbayan ng 1.3 Million pesos para sa plunder case at 11 counts ng graft charges.

Facebook Comments