Manila, Philippines – Wala pa ring desisyon ang kongreso kung dapat ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.
Kasabay nito, nanawagan na ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga mambabatas na magdesisyon na dahil kinakailangan pa nilang maghanda.
Ayon kay Senador Francis Escudero – pabor siyang i-postpone ito para makatipid.
Sakaling mauwi muli sa pagpapaliban ang Barangay at SK elections, dapat madesisyunan ng kamara at senado kung mananatili pa ang mga nakaupong barangay officials o magtatalaga ng bago.
Matatandaang sinang-ayunan din ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang naturang eleksyon.
Facebook Comments