Sen. Revilla, nakadalo sa ikalawang araw ng kanyang paglilitis sa Sandiganbayan ukol sa kinakaharap na kasong plunder

55

Manila, Philippines – Dumalo si dating Senador Bong Revilla sa Sandiganbayan para sa kanyang ikalawang araw na paglilitis sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Iprinisinta sa prosekyusyon ang bagong testigo laban sa akusado na nagngangalang junely pagusan na siyang nagsagawa ng fact finding investigation sa ilalim ng Office of the Ombudsman.

Nagsagawa naman ng cross-examination ang kampo ni Revilla kung saan tinanong nito kung kasama sa ginagawang imbestigasyon ang produksyon ng mga pelikula at telebisyon ng dating senador.


Nanatiling positibo ang abogado ni Revilla na si Atty. Estelito Mendoza – dahil wala pang naihaharap na testigo o ebidensya ang prosekyusyon na magpapatunay na guilty si Revilla.

Kumpiyansa naman si Revilla sa mga nangyayari sa kabila ng paglilitis na kanyang hinaharap.

Matatandaang hindi nakadalo si Revilla sa unang pagdinig dahil sa kanyang alta-presyon.



Nakatakda naman ang susunod na pagdinig sa Hulyo 27.
*

Facebook Comments