Ilang mambabatas na idinawit ni Secretary Aguirre sa Marawi Siege – bumuwelta

Manila, Philippines – Bumuwelta ang mga opisyal na idinadawit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sangkot sa Marawi Siege.

Itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV na may kinalaman siya sa nangyayari sa Marawi at tatlong taon na siyang hindi nakakabisita rito.

Hinamon pa ng senador si Aguirre na suriin ang talaan ng Senado noong Mayo 2 para makita nito na walang katotohanan ang kanyang ibinibintang.


Agad namang bumuwelta sa akusasyon si Senador Bam Aquino at sinabing fake news ito.

Aniya, May 19 siya nang magpunta sa Marawi at ito ay para sa launching ng Negosyo Centre.

Itinanggi rin ni Lanao Del Sur Vice Governor Bombit Adiong na nagkaroong ng pagpupulong ang ilang opposition kasama ang ilang pamilya sa Marawi.

Dinepensahan naman ni zamboanga Del Sur Vice Gov. Ace Cerilles ang kumalat na litrato.

Aniya, noong 2015 pa ito kung saan idinadaos sa Iloilo ang Visayas Conference ng League of Municipality of the Philippines at dito niya nakita ang mga matataas na opisyal kaya dito niya hiniling na mag-‘groufie’.
DZXL558

Facebook Comments