Ilang mambabatas, nagbigay na ng grade sa unang taon ni Pang. Duterte

231

Manila, Philippines – Nagbigay na ng grado ang ilang mambabatas sa unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel – 9 out of 10 ang kanyang marka sa pangulo dahil masipag ito.

Aniya, wala siyang maipapayo kundi ituloy lamang ang mabuti niyang trabaho.


Pero pinuna naman ni Pimentel ang pagtaas ng kaso ng murder at homicide cases sa bansa na dapat tutukan ng pambansang pulisya.

Pero para kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano, bagsak sa kanya ang grado ng Pangulong Duterte.

Nabatid na mahigpit na kritiko ng pangulo si Alejano.



Facebook Comments