Ilang mangingisda sa Cebu, na-rescue ng Coast Guard matapos tumaob ang sinasakyang bangka

34

Ilang mangingisda ang na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Camotes Islands, Cebu dahil sa malakas na hangin at malalaking alon.

Isa sa kanila ay dalawang oras na lumangoy hanggang sa makarating sa Barangay Himensulan San Fransisco, Camotes, Cebu.

Tatlo naman sa mga mangingisda ang magdamag na nagpalutang-lutang sa karagatan hanggang sa mailigtas ng barko ng Coast Guard.

Nasa maayos naman na kalagayan ang mga mangingisda.

Pinapayuhan naman ng Coast Guard ang mga mangingisda na tiyaking mayroon silang maritime safety gears kapag pumapalaot lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments