Pag-upo ni Lt. Gen Camilo Cascolan bilang OIC ng PNP, welcome sa hanay ng PNP

223
Courtesy: Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan FB

Simula bukas ay si Philippine National Police (PNP) Deputy Chief For Administration Police Lt. General Camilo Cascolan na ang magsisilbing Officer- in- Charge (OIC) ng PNP.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac sa harap ng pagreretiro sa serbisyo bukas ni PNP Chief General Archie Gamboa.


Ayon kay Banac, welcome sa hanay ng pambansang pulisya na ipagpatuloy ni Lt. Gen. Cascolan ang lahat ng administrative at operational execution ng PNP lalo’t nakakaranas ng pandemya ang bansa at mayroong banta ng terorismo.

Sinabi ni Banac na ang kinakailangan ngayong panahon ay maipagpatuloy at madagdagan pa ang lakas o ma-energized pa ang hanay ng PNP para labanan ang COVID-19 pandemic.

Tiniyak ni Banac na sa pamumuno ni Lt. Gen. Cascolan, magpapatuloy ang peace and order at mahigpit na seguridad lalo na ang paglaban sa iligal na droga, krimen, terorismo at korapsyon.

Facebook Comments