Ilang mangingisda ang mas piniling hindi muna pumalaot bunsod ng malakas na alon sa katubigan ng Lingayen, Pangasinan noong Biyernes, Nobyembre 7.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Tatay Atong, isang mangingisda, patitilahin muna nila ang malakas na alon dahil sa posibleng panganib na dala nito.
Samantala, ayon sa tala ng DOST-PAGASA, inaasahan nang maranasan ang katamtaman hanggang sa malubhang lagay ng karagatan sa western at southern seaboards ng Luzon mula Sabado o Linggo.
Kaugnay nito, maaga nang nagpaalala ang Pangasinan PDRRMO na maging maingat sa pagpalaot dahil sa maaaring epekto ng bagyo sa lalawigan. Inihahanda na rin ang mga rescue assets at personnel para tumugon sa pangangailangan ng publiko.
Facebook Comments









