Hindi alintana ng ilang mangingisda sa bayan ng Lingayen ang nararanasang mainit na panahon makapaghanapbuhay lamang.
Kahapon, pumalo sa 45°C ang heat index ngunit ang ilang mga mangingisda na naabutan ng IFM News Dagupan team ay hindi umaawat sa dahil sanay na umano sila sa mainit na panahon lalo at madalas ang pagbabalik nila sa pangpang sa oras ng alas diyes hanggang alas onse ng umaga upang kunin ang lambat.
Ilan sa mga ginagawa na lamang ng mga ito upang kahit papaano ay makaiwas sa maaring epekto ng init ay ang madalas na pag-inom ng tubig.
Matumal umano ngayon ang huli ng isda kung kukumpara noong mga nakaraan at paghahati-hatian pa ng mga tumulong na mahila ang lambat sa kabuuang kikitain ng mga mga nahuling isda.
Sa ngayon,umaasa ang mga ito na kahit papaano ay dumami pa ang kanilang mahuli upang hindi sayang ang pagtatrabaho sa ilalim ng mataas na heat index.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









