WHALE SHARK O BUTANDING, NALAMBAT NG MGA MANGINGISDA SA LINGAYEN

Aksidenteng nalambat ng mga mangingisda sa bahagi Brgy. Maniboc Lingayen ang Isang whale shark o butanding kahapon.

Pasado 10:00 ng umaga nang magulat ang mga mangingisda matapos nilang malambat ang butanding.

May sugat umano ito at hirap na makabalik sa dagat. Nag-alala ang mga mangingisda at residente sa Sitwasyon ng butanding kung kaya’t pinagtulungan ng mga ito na maibalik sa malalim na parte ng dagat.

Sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, bawal saktan at patayin ang whale shark na Isang endangered species. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments